How To Get POOR Quickly in 6 Easy Steps!

Warning: Itong babasahin mo ay hango sa matinding research na ginawa sa Blackboard University.
Malalaman mo ang step by step at 100% sure way to become POOR as soon as possible.
Kahit kaylan hindi ka aasenso o yayaman ‘pag sinunod mo ‘tong steps na ‘to.
Yung ibang tips dito ay galing pa sa librong Think and Grow Poor.
Kaya ‘pag sinunod mo itong mga steps na ’to, I guarantee na magkakaron ka ng time and financial slavery.
Let’s get started…
STEP 1 – Gumastos Ng Wagas
Pagkasahod na pagkasahod mo ganito gawin mo… Punta ka kagad sa mall!
Punta ka dun sa mga branded na section. Bilin mo yung pinaka latest na design. Tapos bahala ka na sa buhay mo, bilin mo lahat ng magugustohan mo.
ADDITIONAL TIP: Make sure na gumamit ka ng malaking cart para mas marami kang mabili.
Tapos pag may sale sa SM, punta ka at bumili ka ng kung ano-anong bagay. Kahit hindi mo kaylangan bilin mo!
Tapos ‘pag may bagong cellphone model na lumabas, kahit bago pa cellphone mo, bilin mo na kagad yung bago.
Di ba gusto mo na mapa bilib mga tropa mo?
Kaya OK lang ‘yan, ubusin ang pera dahil mas masarap magyabang sa barkada.
Gawin mong motto ay “Gumastos ng wagas na parang wala nang bukas”
STEP 2 – Wag Na Wag Mag-Save
YOLO! You Only Live Once. Kaya wag kang magi-ipon. Ang corny n’yan! Ang pagiipon para lang ‘yan sa mga matatanda.
Ang ipunin mo resibo ng mga pinamimili mo. Mas OK yun!
Anong gagawin mo sa ipon eh mas masarap magka iPhone ’di ba?
STEP 3 – Magpabaon Sa Utang
Oh yeah! Mangutang ka kahit sa kahit kanino. At wag lang basta utang.
Dapat yung utang na siguradong hindi mo kayang mabayaran.
Mag-apply ka sa lahat ng credit card providers. Tapos bili ka pa ng mga gadgets na isang beses mo lang gagamitin.
Mas maganda kung may kakilala kang bumbay. Utang ka din dun kasi mas malaki sila tumubo five-six.
STEP 4 – Wag Mag Plano
Always go with the flow. Pag may biglaang gimik o kaya pag nagkayayaan sa outing go lang ng go. Another opportunity ‘to para ubusin ang pera mo.
Kaylangan mong gamitin ang strategy na madalas gamitin ng mga unsuccessful at poor. Ang tawag dito sa strategy na ‘to ay impulsive buying.
Tandaan mo… Wag na wag kang magpa-plano dahil ang pagpa-plano… ‘yan ang pipigil sa paghihirap mo.
STEP 5 – Isang Income Source Lang
Wag ka din hahanap ng additional source of income. Mortal sin ‘yan ng pagiging poor.
Dapat isa lang ang source ng income mo. Para ‘pag sinuwerte ka at napatalsik ka sa trabaho… BOOOM sigurado ‘yun poor ka kagad.
Baka mapasigaw ka pa ng OH YES! UNSUCCESS!
Pag may nakita kang kahit anong opportunity, siguraduhin mong maging close minded ka ha?
Ang pagiging open minded ay para lang sa mga mayayaman.
Maniwala ka lang na lahat ng bagay ay IMPOSIBLE!
Walang posible sa mundong ‘to. Lahat ng nakikita mo fake lahat ‘yan OK?
STEP 6 – Sumama Ka Sa Mga Negative
Ito talaga and pinaka sikreto sa paghihirap!…
Makipag halubilo ka sa mga maling tao. Mga tao na may poor mindset at negative thinker.
Sila yung mga tao na tutulong sa’yo para maging very poor.
Ganito gawin mo… Hanap ka ng mga sumusunod:
– Tsimosa – Sugarol – Basagulero – Batugan – Lasingero
Tapos make sure na araw-araw ay napapalibutan ka nila.
Araw-araw mo silang kausapin at pakinggan.
Pumunta ka din pag may mga gatherings sila. Tuald ng Tambayan sa kanto, Tsimisan sa gilid, Inuman sa tindahan at marami pang iba.
There you have it, How To Get POOR Quick!!!
Napaka effective nitong steps na ‘to dahil ito yung eksaktong ginawa ng 99% ng mga Pinoy.
Kaya sigurado ako sa effectiveness nito kung gusto mong maghirap.
Eh pano naman kung ang gusto mo eh maging mayaman?
Wag na ‘yun mahirap yun!
Pero simple lang gagawin mo,… kabaligtaran ng lahat ng mga ‘yan!
PS#1. – Sorry sa mga hindi makaka gets ng sarcasm, paki explain na lang po sa kanila.
P.S#2. Kung nagustuhan mo ang kwentong ito, you can share it at baka makatulong ka pa sa hindi pa nakakaalam ng mga tips na ito.
Please feel free to comment below kung anong masasabi mo sa article na ito.

Embed from Getty Images

 

Please follow and like us: